Sinimulan na ngayong araw ni Sonny Angara na manilbihan bilang bagong kalihim ng Department of Education (DepEd).
Ito’y matapos na opisyal nang mai-turnover ni Vice President Sara Duterte ang nasabing posisyon sa isang seremonya sa Pasig City kahapon.
Kasabay nito ang pormal niyang pagbibitiw bilang senador.
Sa liham nito para kay Senate President Chiz Escudero, ibinida ni Angara ang kanyang mga nakamit sa Senado sa loob ng 11 taon.
Kumpiyansa rin aniya si Angara na malalagpasan niya ang mga matitinding hamon bilang bagong DepEd Secretary dahil nakasuporta sa kanya ang Senado.