Palawan, malaki ang gagampanang papel sa national security ayon kay Pangulong Marcos

Malaki ang papel na gagampanan ng lalawigan ng Palawan sa pambansang seguridad ng Pilipinas.

Ito ang binigyang diin ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang talumpati sa Puerto Princesa city kahapon.

Read More:  DFA defends Marcos foreign trips amid spending criticism

Ayon sa Pangulo, malapit nang matapos ang Balabac Military runway na sinimulang gawin noon pang 2019.

Nabatid na isa ang Balabac sa mga natukoy na bagong EDCA sites.
Habang magpapatayo rin ang pamahalaan ng Pag-asa Island Airport Development Project.

Read More:  Impeachment court says Trillanes was not barred from testifying

Ang probinsya ng Palawan ang isla na nakaharap sa pinag aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.