DTI, ipinatigil ang pagbebenta ng mga vape products online

Sinuspende ng Department of Trade and Industry ang pagbebenta ng mga vapor products, vapor product devices, at vapor product system online.

Batay ‘yan sa nilagdaang Administrative Order No. 24-03 ng DTI.

Read More:  Palace says US call to leave ICC will not affect Duterte trial

Ang nasabing hakbang ay kasunod ng malawang talakayan sa pagitan ng ahensya at mga stakeholder sa industriya.

Binigyang-diin ni DTI Sec. Fred Pascual na kailangan ng masusing trackingt systems pagpapanagot ng mga manufacturers at importers para sa mga iligal o depektong produkto.

Read More:  VP Sara Duterte denies Gracioso cash delivery claims

Ayon sa DTI, ang suspensiyon ay sang-ayon sa Republic Act No. 11900 o ang Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act, na naglalayong pigilan ang mga menor de edad sa pag-access ng mga vapor products online.