5 Chinese suspects sa POGO Hub raid, napalaya dahil sa kakulangan ng ebidensya

Binatikos ni Justice Sec. Boying Remulla ang mga personnel ng Philippine National Police – Anti-Cybercrime Group o (PNP-ACG) para sa ‘di umano’y bigong pakikipag-coordinate sa kanilang Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT).

Sa isang pulong balitaan – idiniin ni Remulla na itinuloy daw ng ACG ang kanilang operasyon ng pag-rescue sa 2,000 alleged human trafficking victims nang wala man lang sapat na ebidensya.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Aniya, wala raw specific grounds ang ACG at ebidensya at basta-basta na lang sila nag-raid.

Ang labas tuloy – sinabi ni Remulla na para lang silang nangisda at parang magtatanim na lang ng kaso.

Dahil dito, pinalaya na raw muna ang limang mga Chinese suspects habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Hindi rin daw kasi nila ito makasuhan lalo na’t wala namang hawak na ebidensya ang PNP.

Sa higit 2,000 na mga na-‘rescue’, mahigit sa kalahati pa ang nananatili sa Las Piñas.

Sa ngayon, sinabi ng Kalihim na hindi pa niya nakakausap si PNP chief Gen. Benjamin Acorda