Solon: rate hikes sa contributions ng PAGIBIG, SSS, at iba pa – dapat ipagpaliban

Hiniling ng isang mambabatas na ipagpaliban ang polisiya na magtataasm sa minimum at maximum rates ng premium insurance sa gitna ng pandemya.

Tinukoy ni AGRI party-list Representative na si Wilbert Lee ang Insurance Commission’s (IC) Circular Letter No. 2022-34 na nag-adjust sa naaangkop na minimum at maximum catastrophe rates sa buong bansa.

Ang adjusted rates na ayon sa mambabatas ay magkakabisa sa January 1, 2023 ay iba-iba sa pamamagitan ng pagtukoy ng mga factors gaya ng risk zone, at uri ng konstrauksyon. Bilang resulta nito, magkakaroon ng biglaang pagtaas sa insurance premium mula 40% hanggang 400%.

Base sa isinagawa nilang konsultasyon, ang pagtaas ay maaaring doble hanggang apat na beses sa kasalukuyang binabayaran para sa insurance sa housing loan sa Pag-IBIG fund, GSIS loan, post-harvest facilities, agri machinery, fishing boats, dryers, storage , at maging ang Philippine Crop Insurance Corporation.

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Sinabi ni Lee na ang naturang pagtaas ay hindi napapanahon dahil ang bansa ay hindi pa nakakabangon mula sa lockdowns at mobility restrictions dahil sa COVID-19.