Aprubado na sa final reading sa Kamara ang panukalang magbubuo sa Electronic Commerce Bureau na siyang magsasaayos ng commercial activities ng internet.
Pabor ang 245 na mambabatas sa House Bill No. 4 o ang Internet Transactions Act.
Layunin ng panukala na ang environment kung saan ang tiwala ng mga consumers ang magiging daan upang tumaas ang bilang ng e-commerce participants, at upang makamit ang sustainable growth.
Nakasaad din sa panukala ang pagbubuo ng Electronic Commerce Bureau sa ilalim ng Department of Trade and Industry (DTI), maging ang pagpapa-register sa mga businesses ng mga eCommerce platform operators at online merchants.
Samantala, sa naturang hakbang, ang DTI secretary ang siyang may mandato ng pagpapa-takedown ng online sites, applications, o social media pages na subject of complaint matapos ang notice o hearing. // SMM
