Solon: Mga kasambahay, dapat maprayuridad rin sa COVID vaccination

Isinusulong ng isang mambabatas na maisama sa priority immunization ang nasa 1.2 million na mga kasambahay sa ilalim ng A4 category.

Ayon kay Probinsyano Ako Partylist Rep. Jose “Bonito” C. Singson Jr. , wala siyang nakikitang anumang valid justification para hindi maisama ang mga household workers sa vaccine priority list.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Paliwanag pa nito, kung gusto umano ng gobyerno na maging ligtas mula sa virus ang mga pamilya na hindi lumalabas ng kanilang bahay, ay dapat mabakunahan sa lalong madaling panahon ang mga kasambahay, na tulad sa lahat ng mga manggagawa na tinukoy bilang essential o frontline.

Read More:  House Prosecutors hail subpoenas for VP Sara Duterte records

Giit pa ni Singson, hindi naman ibig sabihin na dahil kasambahay ang tawag sa kanila ay puro work from home lang ang trabaho nila, sa halip, marami rin umano sa mga ito ang namamalengke, inuutusan bumili ng kung anu-anung essential needs sa labas at maraming iba pa. // MHEL PACIA