Kinuwestyon ni Deputy Speaker Bienvenido Abante ang pagbili ng Department of Health (DOH) sa video conference equipment at desktop with video conference licenses na nagkakahalaga ng P11.89 milyon.
Batay sa impormasyon mula sa Commission on Audit (COA), binili ng DOH Central Office noong March 5, 2021.
Sa muling pagdining ng House Committee on Public Accounts sa paggamit ng DOH sa COVID-19 response funds, kinumpirma ni DOH Knowledge Management and Information Technology Service Director Enrique Tayag ang pagbili sa equipment at ipinaliwanag na gagamitin ito para sa telemedicine.

Ayon kay Tayag, nasa 31 units ang binili para makatulong sa operasyon ng iba’t-ibang ospital at layuning mabawasan ang contact sa pagitan ng health workers at mga pasyente.
Kung matatandaan, kinansela ng DOH ang pagbili ng apat na high-end laptops at accessories na nagkakahalaga ng 700,000 at gagamitin sana sa analytics ng ahensya.
Dagdag ng opisyal, ang mga laptops ay para sa Centers for Health Development.
Samantala, hiniling naman ng mambabatas sa DOH na magsumite sa panel ng mga kinakailangang dokumento sa pagbilli ng conferencing equipment.