Solon, hiniling kay VP Leni na i-expand ang Vaccine Express sa Visayas at Mindanao

Hinimok ni Deputy speaker at Cagayan de Oro City Representative Rufus Rodriguez si Vice President Leni Robredo na dalhin na rin ang knyang Vaccine Exprress drive-through vaccination project sa mga lugar sa Mindanao at Visayas kung saan mayroong pagsipa ng COVID-19 cases. 

Ginawa ng mambabatas ang apela matapos na ilunsad ng pangalawang pangulo ang bago nyang pandemic response intervention kung saan katuwang ang Manila City. 

Ayon sa kongresista, ang mga pandemic response measures gaya ng vaccination ay dapat dalhin na sa mga outbreaks sa mga probinsya ngayong ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila ay nag-plateau na o tumaas at bumaba ng maliit na margin lamang. 

Binanggit pa ng mambabatas ang latest report ng OCTA Research group kung saan tinukoy nila ang ilang lungsod sa Visayas at Mindanao bilang areas of concern gaya ng Davao City, Bacolod, Iloilo City, Cagayan de Oro at Tacloban. 

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Dagdag ni Rodriguez, ipinapakita lamang ng pinakahuling assessment ng OCTA ang lala ng pandemya sa mga lugar na nasa labas ng Metro Manila at di dapat pabayaan ang sitwasyon sa mga probinsya. 

Kaugnay nito, humiling ang mambabatas sa Department of Health (DOH) ng dagdag na vaccines at ventilators para sa Cagayan de Oro City sa gitna ng COVID-19 surge roon.