CAMARINES SUR – Mas maliwanag na sinalubong ng limang barangay sa bayan ng San Jose sa Partido Area ang bagong taon, matapos maikabit sa kanila ang solar powered street lights nitong nakalipas na taon.
Ayon sa impormasyong inilabas ng LGU kabilang sa mga nabenipesyuhan ng nasa tatlong daang libong alokasyon ng street lights mula sa Economic Development Fund (EDF) ng lokal na pamahalaan ang Barangay Adiangao , Calalahan, Calawit, Kinalasan, at Minoro.
Samantala, bukod naman sa malaking bagay ang pagkakaroon ng mga street light para sa seguridad ng mga residente, mas tipid rin ito at eco-friendly lalo pa at pinapagana ang mga ito ng solar energy at hindi na kinakailangan pang magbayad ng kuryente.