Soft opening ng Matnog river cruise patuloy na pinaghahandaan ng LGU

Patuloy na pinaghahandaan ng LGU at Matnog Municipal Tourism Office ang nakatakdang pagbubukas ng Matnog River Cruise na posibleng ganapin sa unang linggo ng susunod na buwan ng Hunyo.

Sa pahayag ni Darrel Jun Buena, sakaling magbukas na ang nasabing atraksyon, magsisilbing alternatibong pasyalan ng mga turista at bisita ang river cruise sakaling hindi na mapahintulutan ang mga ito sa Subic Beach dahil sa pag-obserba ng maximum capacity sa isla.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Ito umano ay upang masulit pa rin at hindi masayang ang oras at panahon ng mga bibisita sa nasabing bayan.

Bukod sa paglalayag sakay ng unique river boat, kasama rin sa mga bagong atraksyon ang 3.5 kilometers na ilog, bird watching at kayaking.

Inaasahan naman na malaking tulong ito para sa mga residente ng tatlong barangay na nakasasakop sa nasabing ilog kabilang na ang mga barangay ng Tablac, Banuangdaan, at Barangay Naburacan na siyang lugar ng mga Indigenous People sa bayan.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ang dalawang asosasyon ng mga IP’s, ang Tanaw Matnog Tourism Workers Association (TMTWA) at Agta-Tabangnon Cimaron Tribe Association (ATCTA) na mayroong 55 miyembro ang hahawak at magpapatakbo ng nasabing proyekto kung saan magpapamalas rin ang mga ito ng kanilang kultura, tradisyon, culinary expertise at local practices sa mga stop-overs ng paglalakbay.

Mababatid na ang nasabing atraksyon ay pinondohan ng Department of Labor and Employment.