SoCot prov’l jail, muli na namang hinagisan ng illegal na droga

KORONADAL CITY — PANIBAGONG insidente na naman ng panghahagis ng umano’y illegal na droga ang naitala sa South Cotabato Rehabilitation and Detention Center o SCRDC, pasado alas-5:00, kahapon ng madaling araw.

Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay OIC Jail Warden Lory Celeste ng SCRDC, tinatayang nasa 60 gramo ng pinaniniwalaang illegal na droga ang kanilang narekober na nagkakahalaga ng P408,000.

Read More:  Pope Leo appoints new spiritual leader of Diocese of Bacolod

Dagdag pa ni Celeste na may mga preso na silang tinututukan na posibleng sangkot pa rin sa illegal na droga kahit nakakulong na.

Inako din nito na kulang ang kanilang mga guard post kung saan madalas na hinahagis ang mga illegal na droga.

Read More:  Residents complain of foul odor from mango company in Malandag

Pinasiguro naman nitong may pondo na para sa dagdag na guard post at iba pang mga kagamitan upang makatutulong at hindi na maulit ang nasabing problema.

Ito na ang ika-limang kaso ng panghahagis ng illegal na droga sa provincial jail sa ilalim ng pamumuno ni OIC jail warden Celeste.