Catanduanes may anim na aktibong kaso na lamang ng COVID-19

BNFM BICOL—Nasa anim na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa islang probinsya ng Catanduanes batay sa pinaka latest update na inilabas ng Provincial Health Office kahapon .

Base sa tala ng PHO, zero new case ang naturang probinsya kahapon kung kaya’t nananatili sa 2,761 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lugar.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Dalawa naman ang naidagdag sa bilang ng mga gumaling kung kayat nasa kabuuang 2,633 na ang COVID-19 recoveries sa Catanduanes habang wala namang naidagdag sa bilang ng mga nasawi kung kaya’t nasa 124 pa rin ang death toll ng sakit sa isla.

Ang bayan ng Caramoran ay may nananatiling tatlong active cases ng COVID-19; dalawa sa bayan ng Panganiban habang isa naman sa bayan ng Bato.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Kaugnay nito patuloy naman ang paalala ng tanggapan sa lahat ng mga Catandunganon na panatilihin ang pagsunod sa mga umiiral na health protocols upang tuloy-tuloy na ang pagbaba ng COVID cases sa islang probinsiya.###