Binata nagbigti dahil sa depresyon

SORSOGON CITY – Tinapos ng isang 23-anyos na binata ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbigti dahil sa depresyon sanhi umano ng pag-abandona sa kanya ng mga magulang noong siya ay 7 buwan pa lamang.

Kinilala ang biktima na si Rafael Obeṅa, construction worker at naninirahan sa Purok 4, Brgy Capuy, West District lungsod ng Sorsogon.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Batay sa ulat, dakong alas 5:30 ng umaga, Setyembre 24 nang madiskubre ng kaibigan ng biktima ang mga labi nito sa rooftop ng ginagawang gusali sa Purok 4, Brgy San Juan Roro, East District, Sorsogon City.

Nakabigti ito gamit ang sintas ng sapatos na goma na itinali sa sampayan.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Una rito, masayang nakipag-inuman pa umano sa kanila ang biktima, subalit binanggit ulit nito ang kanyang pagkasiphayo sa kanyang mga magulang at pagnanasa nito na makilala at masilayan man lang ang mga ito.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na walang foul play sa pagkamatay ng biktima, wala umano itong ibang sugat sa katawan maliban sa leeg na sanhi ng sintas na ginamit sa pagpapakamatay.