SoCot, nagtala ng 65 na re-active cases sa HIV

KORONADAL CITY – 65 na mga re-active cases ang na-detect na mga bagong kaso ng Human-Immunodeficiency-Virus o HIV humalin noong Enero hanggang Marso ngayong taon sa South Cotabato.

Ito ang inihayag ni John Arlo Codilla, South Cotabato HIV/AIDs Program Coordinator ng IPHO sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kung saan nagtala ng 56 na bagong kaso ang Koronadal; 30 sa Polomolok; 14 sa Tupi at Surallah kung saan ito sila ang nagtala ng pataas.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Base sa Epidemiology Bureau ng DOH simula noong Enero hanggang Nobyembre 2023, nagtala ang probinsya ng mataas na kaso kung saan ang South Cotabato HIV Core Team Clinic patuloy na nag-iikot-ikot sa mga paaralan at mga OSY organization kaugnay sa Information Education Campaign.

Nasa edad 15 hanggang 24-anyos ang may pinakamalaking naitalang kaso na na-infect ng Human Immunodeficiency-Virus o HIV/AIDS sa South Cotabato kung saan nagtala rin ng mataas na kaso ang mga edad 25 hanggang 34-anyos.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Dagdag ng opisyal, na hindi dapat masasayang ang pagsisikap ng gobyerno na mamamatay lamang nag isang pasyente dahil sa higpit ng kanilang programa. Sa ngayon, nakatutok sila sa early detection at kung mag-nenegatibo, agad silang magpapatupad ng early prevention at nilinaw nito na hindi communicable disease ang HIV parehas sa ubo, kung saan kanila namang ini-empower ang mga komunidad labans sa sakit na ito.