Social Pensioner na may natatanggap kahit katiting na honorarium mula sa Barangay, sibak sa programa

CAMARINES NORTE – Tanggal sa programa ang mga senior citizen na tumatanggap ng social pension sa sandaling tumanggap sila ng kahit katiting na honorarium o compensation mula sa Barangay.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet ipinaliwanag ni Social Welfare Officer II Christina Llena, Social Pension Program Focal Person ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)- Bicol na kabilang sa mga grounds para ma- delist sa programa ay kapag namatay, may natatanggap na pensyon mula sa gobyerno tulad ng Government Service Insurance System (GSIS), Social Security System (SSS) at private institutions.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Hindi rin pwedeng tumanggap ng Social Pension ang mga elected o appointed na opisyal ng Barangay, may natatanggap na regular income, honorarium o grant kahit gaano pa ito kaliit.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Matatandaan na ilang senior citizen ang nagrereklamong natanggal sila sa programa. Isa nga dito ay dumulog sa Brigada News FM Daet makaraang matanggal sa listahan dahil naging miyembro ito ng Lupong Tagapamayapa ng Barangay.

Ayon kay Llena, maaari naman itong maibalik sa programa kung magre- resign bilang Lupon pero dadaan uli sa validation.