CAMARINES NORTE – Iginiit ng Environmental Management Bureau ng Department of Environment and National Resources (DENR-EMB) na dapat magkaroon ng sariling collection ng basura ang bawat barangay na siyang mangongolekta sa mga kabahayan at mga establisyemento na siya ring responsable sa pag segregate bago kolektahin ng LGU.
Isa ang bagay na ito sa natalakay sa katatapos lang na Seminar, Training & Workshop sa 26 na Barangay ng Mercedes, Camarines Norte na layong maipaunawa sa kanila ang papel ng Barangay sa pagpapatupad ng Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act.
Batay sa ulat ng Municipal Information Office ng LGU, ipinunto umano ng EMB na dapat mayroong Material Recovery Facilities (MRF) na paglalagakan ng basura at dapat may collection points na kung saan doon lang kukunin ng LGU ang residual na basura gaya ng plastics at diapers.
Sa workshop at training, tinuruan at ipinaliwanag sa mga opisyal ng Barangay na kailangang kailangan mbumanalngkas ng Brgy Solid Waste Management Program (BSWMP) na magiging gabay nila sa pamamahala ng basura sa barangay at upang mabigyan ng kaukulang pondo ang bawat aktibidad.
Mababatid na nagbabayad sa isang pribadong processing facility sa Brgy. Gaboc ang LGU- Mercedes para lang sa mga basura sa naturang bayan.
