KORONADAL CITY – SIMULA ngayong taon, tig P 1,000 na kada buwan ang matatanggap na social pension ng mga senior citizens sa lalawigan ng South Cotabato mula sa dating P 500. Ito ang inihayag ni Provincial Social Welfare and Development Officer o PSWDO Sonia Bautista. Ibig sa sabihin nito na sa bawat semester na payout, ang mga senior citizens ay makakatanggap ng P 6,000 na pension o P 12,000 sa loob ng isang taon.
Ang 1st semester payout sa lalawigan ay isasagawa sa buwan ng Abril o Mayo. Ang South Cotabato ay mayroong mahigit sa 66,000 na mga social pensioners. Ang increase sa social pension ay alinsunod sa Republic Act 11916 o an Act Increasing the Social Pension of Indigent Senior Citizens kung saan ang pondo para dito ay nakapaloob sa 2024 budget ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.
