“Smile policy”, ipinapatupad sa lahat ng mga empleyado ng LGU Pio Duran, Albay

Pirmado at epektibo na ang isang polisiyang ipinatupad kahapon ng alkalde ng Pio Duran, Albay na si Alan Arandia na tinatawag na “Smile Policy”.

Ang nasabing polisiya ay nakaangkla sa ReA 7160 o ang Local Government Code na nag-uutos sa lahat ng LGUs na magkaroon ng mahusay at tamang pamumuno, gayundin naman, ito ay alinsunod sa mandato ng Civil Service Commission na sundin ang RA 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Dahil sa nasabing mandato, at sa kagustuhang magkaroon ng magaang pagsasama at epektibong pamumuno, ipinatupad ng alkalde ang nasabing polisiya kung saan kinakailangang panatilihin ng lahat ng mga empleyado ng LGU nito ang pagngiti sa kanilang mga kliyente, at kasamahan sa trabaho.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Sa ilalim nito, inatasa ang Human Resource and Management Office (HRMO) sa pagsu-supervise at pagmo-monitor sa mga empleyado kung ang mga ito ba ay sumusunod sa polisiya.

Samanatala, papatawan naman ng kaukulang kaparusahan ang sinumang lalabag dito.