Deniece Cornejo, humiling sa Taguig court na baligtarin ang bail grant kay Navarro

Nais ng modelong si Deniece Cornejo na muling makulong ang “It’s Showtime” host at comedian na si Ferdinand “Vhong” Navarro.

Hiniling niya sa Taguig court na baligtarin ang desisyon nito na nagbigay ng piyansa kay Navarro at pigilan ang pagdinig sa kasong panggagahasa na isinampa nito laban sa kanya.

Si Cornejo, sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Howard Calleja, ay naghain ng motion for reconsideration with motion to inhibit noong December 19 sa Taguig Regional Trial Court (RTC) Branch 69 sa ilalim ni Judge Loralie Datahan.

Noong Disyembre 5, naglabas ng desisyon ang Taguig RTC Branch 69 at nagbigay ng piyansa kay Navarro sa halagang P1 milyon. Nakalaya siya sa Taguig City Jail Male Dormitory noong December 6.//CA