BOSS, umarangkada na; mga negosyante mula sa apat na  barangay sa lungsod ‘buena mano’ na naserbisyuhan

Umarangkada na kahapon ang Business One Stop Shop o BOSS ng City LGU.

Mga negosyante mula sa mga barangay ng Buhatan, Marinas, Sampaloc, at San Juan Roro ang ‘buena manong’ naserbisyuhan ng nasabing aktibidad sa unang araw ng pagsisimula nito kung saan venue nito ang City Hall lobby.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Ang aktibidad na magtatagal hanggang sa huling araw ng Enero ay inisyatiba ng City LGU at Business Permits and Licensing Office (BPLO) katuwang ang iba pang ahensya at tanggapan tulad ng Office of the Mayor, Health Office, City o Municipal Environment and Natural Resources,  Zoning Administrators Office, Assessor’s Office, City/Municipal  Engineers Office, DTI, BFP at City/Municipal Treasurers Office upang mapadali at para gawing simple ang proseso ng business application at renewal at iba pang mga transaksyon.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Ang kaparehong aktibidad ay kasalukuyan na ring isinasagawa sa iba pang mga bayan sa lalawigan.