Skills training and assessment center ilalagay sa SBFZ

Lumagda sa kasunduan ang Subic Bay Metropolitan Authority at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Ito ay may kaugnayan sa paglalagay ng skills training and assessment center sa Freeport sa pamamagitan ng building 309.

Dito ay maaaring magsanay ang mga potential workers na kanilang magagamit bilang requirement ng mga kompanya sa Subic Bay.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Ayon kay TESDA Secretary Isidro Lapeña, kabilang sa mga i-ooffer na programa ay may kinalaman sa agriculture, construction, automotive at iba pang skills training.

Nakasaad sa Memorandum of Agreement na ang SBMA ang siyang magbibigay ng training venue habang ang TESDA naman ang bahala sa mga trainers at assessors, kagamitan, suplay at iba pang materyales.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Samantala, ang gusali ay dalawang palapag na may lawak na 2,000 square meter at tinatayang gagastusan ng 6.5 million ng SBMA para sa refurbishment.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Photo: SBMA Media Production