Siyam patay, 50 sugatan sa Eastern Visayas dahil sa bagyong Jolina

Naiulat ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council sa Eastern Visayas na tinatayang nasa siyam ang nasawi mula sa pananalasa ng bagyong Jolina.

Sa huling update ng RDRRMC kahapon ay sinabi nito na meron apat na bangkay ang natagpuan sa bayan ng Sto. Niño sa Samar.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Dagdag ng RDRRMC, nasawi ang apat na iba pa sa probinsya ng Leyte, at isa sa Biliran.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Sinabi rin nito na tinatayang nasa 16 na indibidwal ang sugatan on land habang apat ang patuloy na nawawala.

Gayunman, inihayag ni Mayor Marinell Acilo-Apolonio, na nagtamo rin ng pinsala ang 50 mangingisda na nasagip mula sa katubigan na sakop ng Sto. Niño.