Itinuturing ni John Arcilla ang Volpi Cup na kaniyang natanggap sa 78th Venice International Film Festival bilang simbolo ng kaniyang milestone sa trabaho bilang isang aktor.
Sa post ni Arcilla sa Facebook, ay nagpahayag siya ng pasasalamat matapos niyang manalo bilang Best Actor mula sa prestihiyosong award giving body.
Ang nasabing pagkilala ay para sa kaniyang papel na ginampanan sa “On The Job: The Missing 8” na isang pelikula na may six-part mini-series na pwedeng mapanuod sa streaming platform na HBO Go.

Si Erik Matti, na director at producer ng pelikula, ang tumanggap sa parangal ni Arcilla sa seremonya kung saan ay inalay niya ito sa ensemble cast.
Sinabi ni Arcilla sa kaniyang Facebook post, “This VOLPI CUP is such a symbol of a milestone in my work as an actor. It fills my cup of life with full of blessings. I wish I can share this to all my loved ones who left us in this lifetime.”
Iginiit rin ni Arcilla na ito na ang “most prestigious” award na kaniyang natanggap sa kasalukuyang panahon.
Bumati naman ng congratulations kay Arcilla sina Lea Salonga, Paul Soriano, Jhong Hilario, Baron Geisler, Mon Confiado, at marami pang iba pa.