Six-month interval, pinapayagan para sa delayed 2nd dose ng COVID vaccines

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi na uulitin ng mga vaccine recipients ang kanilang first dose, sa kabila na, na-missed nila ang kanilang second dose ng COVID-19 vaccine, basta’t maituturok ang ikalawang dose sa loob ng anim na buwan.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakipagpulong ang DOH sa mga miyembro ng All Experts Groups para talakayin ang acceptable interval para sa dalawang doses ng iba’t-ibang bakuna.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Sinabi ng mga eksperto na batay sa United States’ Centers for Disease Control, na ang naantalang second dose ng bakuna mula sa American brands Pfizer at Moderna ay maaring ibigay hanggang sa 42 araw, matapos ang first shot.

Ang prescribed interval para sa dalawang doses ng Pfizer vaccine ay orihinal na 21 araw, habang ang Moderna, ay 28 araw ang normal interval.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Hindi naman nagbigay ng acceptable delayed interval ang mga eksperto para sa Sinovac, pero giit ni Vergeire, ang second dose ay maaring ibigay sa lalong madaling panahon sakaling na-miss ng recipient ang prescribed interval na 28 araw.

Samantala, ang second dose ng Sputnik V mula sa Russia’s Gamaleya Research Institute ay maaring maibigay ng hanggang 90 araw matapos ang first shot, pero ang recommended interval para sa dalawang jabs ay 21 araw. // MHEL PACIA -TRINIDAD