Kaso ng “pagdukot” ng militar sa 2 aktibista, hilaw pa para i-akyat sa Korte Suprema

Hindi pa ‘hinog’ ang kaso ng umano’y pagdukot ng militar sa dalawang environmental activist na iniharap sa isang press conference sa Plaridel, Bulacan para i-akyat sa Korte Suprema.

Sa pagsalang ng hudikatura sa plenary debates sa Kamara para sa proposed budget nito sa 2024, inusisa ni ACT Teachers Representative France Castro ang Supreme Court (SC) kung ano na ang update sa pag-review sa petition for “writ of Amparo” na siyang legal remedy ng mga nakararanas ng harassment at paglabag sa karapatang pantao.

Ayon sa sponsor ng budget na si Davao De Oro Second District Representative Ruwel Gonzaga, hindi pa maaaring manghimasok ang SC sa kaso dahil wala pang inihahaing petisyon hinggil sa nangyari kina Jhed Tamano at Jonila Castro.

Pero ginarantiya nito na sakaling makarating na sa Kataas-taasang Hukuman ang isyu ay agad itong kikilos.

Inihalimbawa ni Gonzaga ang reklamo sa dating tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na si Undersecretary Lorraine Badoy kung saan naglabas ng show cause order ang korte matapos umanong pagbantaan ang isang huwes sa Maynila na nagdesisyon pabor sa CPP-NPA.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Dagdag pa ng sponsor, pagdating sa proteksyon ng mga biktima ay nakasalalay din sa abogado ng petitioner kung mahusay ang presentasyon nito sa Korte Suprema at “factual” ang alegasyon.

READ MORE:

Dating NTF-ELCAC officials guilty sa kasong administratibo dahil sa red-tagging

Gabriela Representative Arlene Brosas, naiyak sa naging statement ng DOJ ukol sa dalawang environmental activist

Sinumpaang salaysalay ng 2 environmental activists, isinapubliko ng NTF ELCAC