Singil sa kuryente sa Albay ngayong Nobyembre tumaas dahil sa fuel price hike ayon sa APEC

BICOL—Asahan ang mas mataas na singil sa kuryente ngayong Nobyembre sa lalawigan ng Albay base sa abiso ng Albay Power and Energy Corporation (APEC).

Ayon sa kumpanya, ito ay dahil sa sunod sunod na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo at kakulangan sa power supply. Bunsod nito ay asahan ang P1.4099 per kilowatt hour na taas singil sa bill ng isang tipical na residential consumer.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Mangangahulugan ito na mula sa P11.5177/ kWh na monthly rate ay magiging P12.9276/kWH na ito ngayong November bill.

Para naman sa mga commercial consumers, mula sa P10.5373/kWh ay magiging P11.9472/kWh na ito. Para sa high voltage consumers, mula sa P9.2540 ay magiging P10.6811 na ito ngayong buwan kung saan nagkaroon ng P1.4271 na pagtaas.

Sa kabuuan, madadagdagan ang bill ng isang residential at low voltage consumer na kumokonsumo ng 200 KWh sa isang buwan ng nasa P281.98 sa kanilang total bill.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Paliwanag ng APEC, ang pagtaas sa electric bill ay dahil sa mataas na generation charge bunsod na rin ng pagtaas ng fuel at coal price sa international market.

Nananatili rin umanong mataas ang presyo ng kuryente mula sa mga supplier nito o ang Wholesale Electricity Spot Market (WESM) at SMEC.### | slm