Singil sa kuryente, maaari pang tumaas habang late fee hindi maaaring i-waive-CASURECO II

NAGA CITY— Posible pang tumaas ang singil sa kuryente sa mga susunod na buwan kung hindi pa bababa ang presyo ng coal na ginagamit bilang panggatong ng mga power producer. Sa ngayon kasi hindi pa stable ang presyo nito at kung bumaba man ay minimal lang ang ibaba sa taripa gaya ng nakaraang buwan ng Setyembre na nagpatupad ng bawas presyo na umabot lang sa 0.7259 centavos/ kwh.

Samantala,  sa dami pa ng mga kokolektahing utang mula sa mga member consumers sa kanilang mga electric bill ay hindi maaaring i-waive o tanggalin ang penalty sa mga nagbabayad na lampas na sa kanilang araw ng pagbabayad o due date.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Ito ang tugon ng Camarines Sur Electric Cooperative o CASURECO II sa hiling mga member consumers na pansamantala munang alisin ang late fee sa kanilang mga electric bill bilang tulong narin daw sana sa gitna ng tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin at mataas na singil sa kuryente.

Ayon kasi kay Rinner Bucay, tagapagsalita ng kooperatiba, nitong buwan lang ng Agosto umabot sa mahigit P500M ang dapat nilang kolektahin na utang mula sa mga hindi nagbabayad sa takdang panahon bagay na malaking hamon para sa kanila ang pagsingil sapagkat ang naturang halaga ay mapupunta lamang aniya sa pambayad sa kanilang power generator. Kaya, kung papayagan pa nila na alisin ang penalty sa mga late na magbayad, baka mas lalong dumami aniya ang hindi magbabayad ng tama sa oras na magreresulta naman ng problema sa pagbabayad nila sa power supplier na pwedeng humantong sa problema sa supply ng kuryente.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod