Singapore PM Lee, ipapasa na ang pwesto sa kanyang tagahalili

Inanunsyo ni Sinagporean Prime Minister Lee Hsien Loong, 72-anyos, na ibibigay niya ang kanyang posisyon sa kanyang successor na si Lawrence Wong sa Mayo 15.

Kasalukuyang Deputy Prime Minister at Finance Minister ng Singapore si Wong.

Siya rin ang tinalagang prime minister-in-waiting simula pa noong Abril 2022 matapos umatras ang dating successor ni Lee sa pwesto.

Ayon kay Lee, si Wong at ang kanyang team ay nagsumikap na makuha ang tiwala ng buong Singapore, lalo na sa panahon ng pandemya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *