Tiniyak ng Consulate sa Singapore na hindi na mangyayaring muli ang isyu kung saan ay mayroong mga ‘pre-shaded’ na balota sa isinagawang oversease absentee voting dito.
Sa panayam, inamin ni Consul Joyleen Santos na isa itong ‘unintentional oversight’ at hindi na mauulit muli.
Ang mga ‘pre-shaded’ ballots daw kasi ay mga ‘spoiled ballot’ na hindi dapat maipapamahagi sa mga botante.
Nilinaw din nitong isang overseas Filipino lang ang nakatanggap ng pre-shaded ballot, at hindi naman ito ipinamigay sa iba pang mga botante.
Sa ngayon ay araw-araw na raw nagpupulong ang mga personnel ng embassy at mga miyembro ng electoral board para sa ganun ay mailatag na ang mga hakbang para maiwasan nang muli ang ganitong pagkakamali.

Samantala, sa New York naman, ay kinumpirma na ng Consul General dito na nakarating na rin ang mga hinihintay na election paraphernalias.
Kung matatandaan, na-delay ang logistics dito dahilan para hindi kaagad ma-acommodate ang ating mga kababayang botante.
#