‘No Bakuna- No Entry’ sa mga Mosque, plano ng DILG

Pinaplano na ng Department of Interior and Local Government na dapat nang i-require na maging bakunado bago makapasok sa mga religous areas partikular ang mga Mosque.

Ito ang naisip na paraan ni Interior Secretary Eduardo Año matapos mapagalamang mababa pa rin ang vaccination rate sa BARMM.

Read More:  Escudero says he would decline VP post if Sara Duterte is removed

Ayon sa kalihim, nakatakda na raw makipagpulong ang Philippine National Police sa mga lokal na otoridad para maproteksyunan ang mga kapatid na Muslim sa mga sasamba sa mosque.

Sa ganitong direktiba umano ay hindi papapasukin ang mga hindi pa bakunado.

Read More:  BAN Toxics urges removal of unauthorized squishy toys over potential health risks

Bago ito, una nang nagbabala si Vaccine Czar Carlito Galvez na posible ang mini surge sa BARMM dahil sa mababang vaccination coverage sa rehyon.
#