Iginiit ng grupong SINAG na wala silang nakitang P42 – P45 na presyo ng bigas sa pag-iikot nila sa mga pamilihan sa Metro Manila.
Kasunod ito ng pahayag ng Department of Agriculture na bumaba na umano ang presyo ng bigas sa mga public market.
Kabilang sa ininspeksyon ng DA ay ang Guadalupe Market, Farmers Market, at Nepa Q Mart, kung saan nakita nila na available ang well-milled rice sa halagang P45 kada kilo.
Mababatid na sinabi noon ng grupo na nanatili pa ring mataas ang presyo ng well-milled rice at regular milled rice sa mga pamilihan.