CAMARINES NORTE – Makikiisa ang Schools Division Office (SDO) ng Camarines Norte sa isasagawang Simultaneous tree planting activity sa July 1 na tinawag na One Employee, One Tree/Bawat Guro, Isang Puno” bilang bahagi ng opening ceremony sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month.
Sa ipinalabas na Memorandum ni Schools Division Superintendent Nympa Guemo nitong Huwebes, inatasan nito ang mga School Heads, DRRM Coordinators at lahat ng concerned personnel na makiisa sa sabayang pagtatanim ng puno kalakip ang guidelines sa pagsasagawa nito.
Ang mga guro on- site ay magtatanim ng puno sa loob ng school premises.
Kung naka- work from home ay gagawin ito sa kanilang bakuran o sa alinmang identified na lugar sa kanilang komunidad.
Maaaring makipag ugnayan sa DENR Office para sa seedlings o magtanim ng fruit-bearing trees na available sa kani- kanilang lugar.
Sa pagsasagawa ng aktibidad ay ipinapaalala ang mahigpit na pagsunod sa minimum health protocols.

