OLONGAPO- Nagulat ang limang kapitan sa Olongapo City kahapon matapos na sunod-sunod na dumating ang mga food riders sa kanilang lugar ng isang food delivery service.
Napag-alaman ng mga ito na mayroong isang hindi kilalang indibidwal ang gumamit sa kanilang mga pangalan at gumawa ng fake booking para magpadeliver ng pagkain.
Kabilang sa mga nabiktima ay sina Kap. Rodolfo Catologan Sr ng Bgy. Pagasa, Kap. Angelito Baloy ng Barreto, Kap. Ivan Tanega ng Banicain, Kap. Dante Hondo ng East Tapinac at si dating Kap. Ferdinand Quinto ng New Kababae na pumanaw na nakaraang linggo lamang.
Nasa mula higit tatlong libong piso hanggang limang libo ang halaga ng mga pagkaing inorder na ipinangalan sa mga nasabing kapitan.
Kaugnay nito, nakiusap naman ang Food Panda Olongapo sa pamamagitan ng kanilang team leader na si Christian Dimalanta na huwag naman sanang gawin ito sa kanilang mga riders.
Maliban sa pagod ng mga riders ay malaking oras rin ang nawawala sa kanila dahil sa mga ganitong fake booking.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: Kap. Rodolfo Catologan Sr.
