SIM Card Registration Act – isa nang ganap na batas matapos lagdaan ng Pangulo

Nilagdaan na ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang SIM Card Registration Act na naglalayong obligahin ang lahat ng SIM card users sa buong bansa na iregister sa mga public telecommunications entities (PTEs).

Sa kanyang talumpati sa isinagawang ceremonial signing sa Malacañang sinabi ng Pangulo na long overdue na ang pagpasa sa naturang batas.

Read More:  Focus crimes drop 29.75% nationwide in third quarter – PNP

Naniniwala si Marcos na malaking tulong ang SIM card registration act upang masawata ang mga spam messages at mga mga krimen na gumagamit ang SIM.

Read More:  No government expense for Marcos’ F1 ticket, Palace says

Inaatasan din sa batas ang mga telcos na irehistro ang mga existing sim cards users at kung hindi magcocomply sa itinakdang panahon ay maaari itong i-deactivate.

Tiniyak naman ni Marcos na hindi mako-kompromiso ang privacy ng isang indibidwal dahil sa mga safe guards na matatagpuan sa naturang batas.
#