KORONADAL CITY- PATAY ang isang cyclist matapos na ma overshoot sa pababang daan mula sa Magsangyaw Land of Praise sa bayan ng Tupi, South Cotabato sa unang araw ng Undas 2023.
Kinilala ang biktima na si Carl Salvacion, 17-anyos na residente ng Barangay Mangilala, Tantangan, South Cotabato. Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay Pcapt. Ramil Sisi, Deputy Chief of Police ng Tupi PNP, inihayag nitong natagpuan na lamang ng ibang siklesta ang nasabing biktima na naliligo na sa sariling dugo matapos ma-overshoot at mabangga ang ulo sa gilid ng daan.

Dagdag pa ni Sisi, na may kasamahan naman umano ang nasabing biktima na mga bikers ngunit na iwanan ito habang umaasa naman ang mga kasamahan naman nito na sumusunod ang biktima. Sinubukan pa naman umanong dalhin sa hospital ang biktima ngunit ideneklara na itong dead on arrival ng mga attending physician.
Sa ngayon nagpapa-alala ang opisyal sa mga bikers na umaakyat at bumababa sa mga mataas na daas lalo na sa Magsangyaw na mag-ingat upang makaiwas sa disgrasya.