PNP iginiit ang pagbibigay ng seguridad sa mga mamamahayag

Muling iginiit ng Philippine National Police ang kanilang pangako na maibigay ang seguridad at kaligtasan sa lahat ng media practitioners sa bansa.

Ito’y kasunod ng pamamaril at pagpatay sa radio brodkaster na si Juan Jumalon sa Calamba, Misamis, Occidental.

Sa isang pahayag , sinabi ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr., patuloy nilang tinitiyak ang pagbibigay seguridad sa mga mamamahayag upang magawa nila ang kanilang mahalagang papel sa lipunan nang walang takot sa karahasan.

Ayon sa PNP Chief, kailangan ng pulis ang media dahil media ang tulay sa paglabas ng katotohanan.

Nais umano nya na magkaroon ng open communication sa mga mamamahag at kung sakaling may problema sa kanilang kaligtasan ay handa syang umupo para ito’y pakinggan nang sa gayon ay matugunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *