Shipping industry stakeholders, tinutulan ang mga probisyon sa panukalang Magna Carta for Filipino Seafarers

Tinutulan ng shipping industry stakeholders ang mga probisyon sa panukalang Magna Carta for Filipino Seafarers  na pinaniniwalaan nilang hindi ito naaangkop sa mga domestic vessels.

Sa isang pagdinig ng House panel na ginanap sa Mandaue City, Cebu, sinabi ng mga stakeholders sa mga miyembro ng Kamara na ang mga seaferers sa mga international vessels ay hindi maaaring iuri sa counterparts sa mga domestic ships.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Sinabi ni Cebu 3rd district Rep. Pablo John Garcia, maaaring “patayin” ng ilang probisyon ng panukalang batas  ang shipping industry.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Sa panukala,  mangangailangan kasi ng mga cabin accommodations para sa mga cadet o apprentice seafarers.

Ngunit karamihan sa mga domestic trip ay magdamag o mas maikli pa sa loob lamang ng dalawang oras na hindi nangangailangan ng hiwalay na mga cabins para sa mga tripulante at kadete.