Shellfishes sa Naga City People’s Mall binabantayan kaugnay ng red tide toxin sa Masbate

NAGA CITY- Nagpalabas ng bagong shellfish bulletin ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resource o BFAR Bicol, makasaad na positibo pa rin sa red tide toxin ang karagatan ng Milagros, Masbate.

Kaugnay nito sinabi sa Brigada News FM Naga ni Market Superintendent Mon Florendo, nakabantay ang kanilang tanggapan sa mga produktong itinitinda. Kung may shellfishes aniya talong-lalo na tahong hinahanapan ng dokumento na nagpapatunay na hindi galing sa apektadong lugar.

Read More:  Parked SUV hit by gunfire in Kidapawan City

Mababatid na binigyang diin ni BFAR Bicol Spokesperson Nonie Enolva, na delikado kapag nakakakain ng shellfishes na positibo sa red tide, nitong unang linggo ng Oktubre 25 ang naospital sa Masbate; dumanas ng pagkalason o food poisoning dahil sa pagkain ng Capiz shell o Katipay o Tipay.

Read More:  DOST-backed community project begins in Himamaylan City