Shear Line, magpapa-ulan sa ilang bahagi ng bansa

Asahan nang magdudulot ng mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na na pag-ulan ang Shear Line sa maraming bahagi ng bansa ngayong araw.

Kasama sa mga apektadong lugar ang Bicol Region, Eastern Visayas, Quezon, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Aklan, Capiz, Dinagat, at Surigao Provinces

Nagbabala ang PAGASA na posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Read More:  Romualdez camp says Bonoan may be pressured to link former speaker to flood control probe

Patuloy namang iiral ang hanging amihan sa Northern at Central Luzon

Magdudulot ito ng mahinang pag-ulan sa Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Ifugao, Mt. Province, at Aurora

Makararanas naman ng maaliwalas na panahon na may tyansa ng mahinang pag-ulan ang Metro Manila, Ilocos Region, sa nalalabing bahagi ng Cordillera Adminsitrative Region, at CALABARZON.

Read More:  Atin Ito Coalition: declare July 12 as West Philippine Sea Victory Day

Para naman sa nalalabing bahagi ng bansa ay asahan din ang magandang panahon ngunit may tyansa pa rin ng pulo-pulong pag-ulan, na may kasamang pagkulog at pagkidlat na maaring idulot ng localized thudnerstorms.