Nilinaw ng Bangko Sentral ng Pilipinas na hindi pa pinal ang disenyo ng bagong 1000-piso na banknote na makikita sa naisapublikong litrato.
Ipinunto ng BSP na naglalaman pa ito ng ilang errors.
Inihayag ito ng BSP matapos ipunto ng netizens ang mga kamalian sa spelling at character formatting ng scientific name ng Philippine eagle na makikita sa litrato ng bagong perang papel.
Ang naka-print kay sa circulated photo bilang scientific name ng agila ay Pithecophaga jefforyi, kahit ang tama ay Pithercophaga jefferyi at dapat ay naka-italicized ang format nito.
Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, ang kumalat na litrato kamakailan ng bagong banknote ay sample lamang na dating ipinadala sa BSP para sa review.
Tiniyak naman ni Diokno na nagawa na nila ang corrections sa scientific name ng Philippine eagle kabilang na sa spelling at format nito na italicized.
