Sharon sinubukang makipag-ayos sa tiyahing si Helen Gamboa

Sumubok na umanong makipag-ayos si Sharon Cuneta sa kanyang tita Helen Gamboa matapos ang naging sigalot ng kanilang pamilya sa nakaraang eleksyon.

Ayon sa report, hindi naman direktang nag-sorry si Sharon pero tila tinatanong ang kanyang tiyahin kung may chance pa ba siyang mapatawad nito.

Read More:  Alex Gonzaga, Mikee Morada announce pregnancy

Bagamat wala pang opisyal na pahayag ang kampo ng mga Sotto, wala pang nakakaalam kung ano ang reaksyon ni Helen sa ginawa ng kanyang pamangkin.

Kaugnay nito ay marami sa mga kaibigan ng dalawang pamilya ang umaasang magkakaayos din ang magtiyahin.

Read More:  Maris Racal distributes’free bigas’ to celebrate showbiz milestone

Matatandaan na nagkaroon ng lamat ang magandang samahan ng pamilya nina Ms Helen na asawa ni Senate President Tito Sotto at Sharon na asawa naman ni Senator Kiko Pangilinan nang magsagupa ang mga ito sa Vice Presidential race sa nakalipas na eleksyon.