Alkalde ng Guinobatan pinasalamatan ng PDEA Albay sa pagkakahuli sa mga suspek dahil sa paggamit ng illegal na droga

LEGAZPI CITY – Malaking achievement ang ginawa kahapon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagkakahuli ng isang myembro ng LGBT kasama ang isang menor de edad sa Barangay Inamnan Grande, bayan ng Guinobatan, Albay.

Kinilala ang mga suspek na sina Yurie Balisoro Pavia, 39 anyos na miyembro ng LGBT community sa lugar at isang 17 na menor de edad na lalaki.

Ayon kay Mayor Gemma Ann Ongjoco ng Guinobatan, pinasalamatan nito ang PDEA sa pagkakahuli sa mga suspek sa nabanggit na lugar dahil sa paggamit muli ng ilegal na drogra.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Ikinadismaya ng Alkalde sa pagkakahuli sa mga suspek dahil binigyan na itong pagkakataon para makapagbagong buhay subalit bumalik pa rin ang mga ito sa ilegal na gawain Ang mga nahuling suspek ay dati na itong drug surrenderee sa bayan.

Sinabi ng opisyal, napigilan ng mga awtoridad ang pagbebenta ng mga suspek dahil sa bagong dating ang mga droga na nagmula pa sa Metro Manila.

Tinatayang kalahating kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 3.4 million pesos ang nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Bicol sa isinagawang drug buy-bust operation Sa bahay ng isa sa mga suspek sa Barangay Inamnan Grande, Guinobatan, Albay bandang ala-1 hapon kahapon.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Si Pavia umano ay itinuturing na High Value Target ng PDEA dahil sa malakihang pagbebenta ng ipinagbabawal na droga hindi lang sa bayan ng Guinobatan maging sa mga kalapit pang bayan.

Sa ngayon, ang suspek ay hawak nang PDEA Region V at ang menor naman ay itinurn-over na sa Municipal Social Welfare and Development Office ng Guinobatan. Mahaharap din ito sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.