Shaira Diaz, naiyak nang malaman na nanonood ang boyfriend na si EA ng porn

Ibinahagi ng TV host na si Shaira Diaz na minsan na siyang umiyak dahil sa boyfriend niyang si Edgar Allan “EA” Guzman.

Ito umano ay nangyari nang maabutan niyang nanonood ng porn si EA.

Ayon kay Shaira, nasaktan siya nang malaman niyang ginagawa pa rin ito ng aktor.

Sinasabi raw ng marami na normal lang sa mga lalaki ang manood ng porn, pero giit ng host – “Bakit parang kailangang i-normalize?”

Para raw sa kanya, kapag nanonood ng naturang content ay para na ring pinagpapantasyahan na ang ibang tao.

Binigyang-diin din nito na parang cheating na rin ang ganitong gawain.

Kwento ni EA, simula nang malaman niyang nasaktan si Shaira dahil sa panonood niya ng porn, ay tumigil na siya rito.

Mababatid na bukas sina EA at Shaira sa publiko hinggil sa pagsunod sa sexual abstinence o celibacy hanggang hindi pa sila ikinakasal.

Noong 2021 na-engage ang long-time couple.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *