SGH, binuksan bilang infirmary level hospital

KORONADAL CITY — BINUKSAN na bilang infirmary level hospital sa bayan ng Surallah, South Cotabato ang SOCCSKSARGEN General Hospital na may 50-beds capacity.

Dahil dito, maaari nang tumanggap ng medical services ang SGH na kinabibilangan ng minor surgeries, emergency, outpatient, clinical at support services.

Maaari na ring magpa-laboratory sa nasabing ospital at tumatanggap din ang mga ito ng mga pasyenteng may Covid-19.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Tatanggap din ang SGH ng mga buntis na manganganak sa pamamagitan ng normal deliveries.

Sinabi naman ni Dr. Ceril Borromeo, medical center chief ng SGH na ikinagalak nila ang pagbubukas ng SGH na makakapagbigay ng medical services sa publiko lalo na sa mga residente sa Upper Valley Area.
Pinasiguro din nito na Philhealth accredited ang pagamutan at pinagsisikapang magkaroon ng “Malasakit Center” sa susunod na mga buwan.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Sa ngayon, nasa 285 ang kabuuang personnel ng SGH na kinabibilangan ng 21 doktor at 73 mga nurses.