Namnama Elementary School sa Koronadal, nakatanggap ng classrooms

KORONADAL CITY — TATLONG classroom building ang itinurn-over ng city government ng Koronadal sa Namnama Elementary School noong nakaraang linggo.

Ayon kay City Mayor Eliordo Ogena, patuloy na tinututukan ng city government ang sektor ng edukasyon sa kabila ng Covid-19 pandemic bilang paghahanda sa muling pagbubukas ng face-to-face classes.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Nagkakahalaga umano ng P3 million ang nasabing mga classrooms na pinondohan ng Barangay Development Program at Special Education Fund o BDP-SEF.

Layunin ng proyekto na madagdagan ang mga silid-aralan sa nasabing paaralan na makakatulong sa muling pagbubukas ng klase.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Lubos naman ang pasasalamat ng pamunuan ng nasabing paaralan sa natanggap na school building at pinasigurong iingatan nila ito.