Pagtaas ng presyo ng kuryente, tinukoy ng APEC

LEGAZPI-Tinukoy ng Albay Power and Energy Corporation (APEC) ang dahilan kung bakit tumataas ang presyo ng kuryente sa lalawigan.

Ayon kay APEC Chief Operation Officer na si Apolinario Alvarez, ito ay dahil sa pagtaas ng generation rate at transmission rate na beyond sa control ng nasabing opisina.

Aniya, ang napupunta lamang sa APEC ay isang piso at dalawampu’t isa sentimos, kahit pa ang presyo ng kuryente ay sampu o dalawampumpiso per kilowatt hour.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Dagdag pa ni Alvarez, ipangalangin na lamang na matigil na ang giyera nang sa gayon ay hindi na tumaas presyo ng fuel nang sa gayon ay mokontrol na ang forex.

Ang palitan, aniya, ng piso at dolyar ay napakalaki na, gayunpaman, ang bawat bariles ng gasolina ay tumataas, at isa pa rito umano ay ang pagtaas ng presyo ng coal.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Sinabi rin ni Alvarez na hindi lamang Albay ang nakararanas ng pagtaas ng presyo ng kuryente, kundi ang buong bansa. Umaasa naman ang opisyal na mayroong konkretong plano ang bagong administrasyon sa nabanggit na problema.