Severe form ng enterovirus, maaaring maging sanhi ng pagkamatay sa HFMD – DOH Bicol

Binigyang-diin ng Department of Health (DOH) Bicol na ang maaaring maging sanhi ng pagkamatay sa hand, foot and mouth disease (HFMD) ay kung nagkaroon na ito ng mga komplikasyon.

Ayon kay Dr. Jannish E. Alcala-Arellano, infectious disease cluster head ng nasabing ahensya, ang HFMD ay dala ng virus na tinatawag na “enterovirus”.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Sa madaling sabi, ito umano ay kabilang sa enterovirus family.

Aniya, mayroong severe form ang nabanggit na virus na siyang nagiging sanhi ng anumang komplikasyon na maaaring mauwi sa kamatayan.

Inihayag din ni Arellano na hindi naman nakamamatay ang nasabing sakit basta hindi na ito makabuo bg anumag komplikasyon.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Hindi naman umano ito nakamamatay ngunit maituturing pa ring nakakaalarma sapagkat anumang sakit na may dumaraming bilang ng mga kaso ay palaging “alarming” at kailangang agarang maaksyunan.

Dahil dito, kinakailangang magkaroon ng kaalaman ang publiko ukol sa nabanggit na sakit upang malaman din kung ano ang mga dapat na gawin.