Pagtaas ng kaso ng dengue sa lunsod ng Legazpi, pinamomonitor na sa mga barangay – CHO

Inaatasan ng Legazpi City Health Office (CHO) ang mga barangay na i-monitor ang mga lugar kung saan mayroong tumataas ng bilang ng mga kaso ng dengue.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Dr. Fulbert Alec Gillego, ang head ng nasabing opisina, sinabi nito, alam na ng mga barangay ang gagawin tuwing tumataas ang kaso ng dengue.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Aniya, hindi naman dapat ikaalarma ng mga residente ang pagdami ng kaso ng nasabing sakit dahil hindi pa gaano ito kataas kung ikukumpara sa mga nagdaang taon.

Read More:  Dumanjug Mayor’s driver’s license suspended for 90 days after viral crash in Cebu

Sakali mang magkaroon ng dengue sa mga barangay ay agad naman itong ipinapaalam sa mga residente upang maging aware sa kanilang komunidad. Dagdag pa nito, magsasagawa rin ang barangay ng clean up drive upang maiwasan ang pagdami ng dengue sa lugar.