5.3 Magnitude na lindol naramdaman din sa Camarines Sur

NAGA CITY- Ramdam na ramdam sa Naga City ang  5.3 magnitude na lindol kahapon.

Pasado ala-una nang magsilabasan ang mga estudyante ng Ateneo De Naga University sa kani-kanilang classrooms sa ilang palapag na Dolan Hall. Gayundin ang ilang mga nasa kani-kanilang departments.

Sa Naga College Foundation pinapunta rin ang mga guro at estudyante sa ligtas na lugar.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Sa upper barangays ng lungsod , maging sa centro ramram din ang pagyanig ng lupa kahit na sa Tinaga Island,  Vinzons Camarines Norte ang sentro ng lindol.

Intensity II at Intensity III naman ang naramdaman sa mga bayan sa Camarines Sur.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Sa Lupi na malapit lamang sa Camarines Norte, nag dock, cover and hold ang mga empleyado ng pamahalaan tulad sa Municipal Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

Ayon kay MDRRM Officer Garry Cruz, ang mga natutunan nila sa drill ay naobserbahan. Samantala sa inisyal na assessment wala namang iniwang pinsala sa nasabing bayan.